in Stories and Poems

Paalam…

pen and paper
Ang tulang ito ay pinasulat sa amin ni Sir Dennis Aguinaldo on our last day of classes sa Humanities 1. Ito ang tulang ginawa ko lamang sa loob ng 5 minutes dahil inoorasan kami ni Sir. Kung ano man ang iniisip ko, iyon na ang isiulat ko at hindi ko na binago. Dito, lumabas ang creative juices ko. Para sa ibang tao, dito na lalabas kung ano man ang tunay na laman ng damdamin ng isang tao.

“Ang hawak mo lang ay papel at ballpen, tapos sa loob ng limang minuto, iyon lang ang oraas mo para gawin ang mga huling bagay dahil papatayin na kita. Ngayon, hawak ang papel at ballpen, anong isusulat mo?”

 

 

Malapit nang kunin ang buhay ko
Malapit nang matapos ang lahat ng ito
Konting oras na lang ang natitira
Upang ihayag ko ang aking nadarama.

Hindi ako mabuti, iyan ang masasabi ko
Hindi rin naman masama ang mga ginawa ko
Ngayon, ang tanging nais ko lang gawin
Ay ang ibigay sa mga mahal ko ang kanilang hinihiling.

Alam ko, oo, di ko magagawa iyon
Wala akong kapangyarihan upang gawin iyon
Pero ngayon, ang tangi ko lang magagawa
Ay ang isulat ang aking nadarama.

Gusto kong magpasalamat sa aking ina
Gayon din naman sa aking ama
Gusto kong sabihing mahal ko ang kapatid ko
Pati na rin siyempre ang kaibigan ko’t kabaro.

Humihingi ako ng tawad sa mga nagawan ko ng kasalanan
Minsan, alam ko, hindi ako naging mabuting anak at kaibigan
Ngayong aalis na ako, gusto ko na lamang sabihin sa inyo
Salamat, patawad, pupunta na ako sa dapat paroonan ko.

Write a Comment

Comment